top of page

'Pagkat inibig mo'y isang makata

Sa bawat paghaplos ng kanyang pluma Sa mga papel ay makikita Ang bakat ng itim na tinta ng pag-ibig Maghanda ka, sinta

Ang bawat taludtod ay alaala Sa bawat linya ay ginhawa Ang pagbigkas wari’y emosyon Nakalaan sa mga blangkong pahina

Iyong ngiti‘y larawan sa isipan Ang tinig mo ang siyang naging wika Ang iyong mga kamay ay lakas Mukha mo’y magsisilbing bakas

Sa bawat pagbukas ng iyong bibig At sa himig ng iyong pintig Ang siyang guguhit sa bawat pantig Ng inyong walang humapay na pag-ibig

Ngunit sa oras na bumigat ang kumpas Kapag naging malumanay ang marahas At sa halatang madiin na bakas Isa na itong hudyat ng pagwawakas

Bigkasin ang pantig ng mga salita Damhin ang bigat at diin ng pluma Pagmasdan ang kumalat na tinta At ang nanginginig na sulat niya

Ikaw na naging inspirasyon nitong tula Ikaw na nagbigay ng ligaya At ikaw na kumuha nito sa kanya Winasak mo ang puso ng isang makata

Ito ang kanyang paghukay at paglibing Pagmasdan ang huling habilin Patuloy niyang isusulat ang mga alaala Mula sa plumang tintang gamit ay luha

Sa awanggan, Hiraya

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

© 2022 Jewel Liaison

© 2023 by The Artifact. Proudly created with Wix.com

bottom of page